128
Doncic nagulat sa trash talk ni Kobe
Dec 31, 2019 @ 13:21
By

Doncic nagulat sa trash talk ni Kobe

Hindi inaasahan ni Dallas Mavericks star Luka Doncic na isang NBA legend ang susubukan siyang pikunin.

Ngunit ang mas nakakagulat pa, Slovenian ang ginamit na salita nito, ang native language ni Doncic.

Nasa inbound area ang MVP candidate nang marinig na may nangbubuyo sa kanya sa sidelines.

Pagtingin nito ay si Kobe Bryant na pala ito, at ang tanging nagawa ay kinamayan na lang na tila nasorpresa sa nangyari..

“He was talking Slovenian,” ayon kay Doncic. “So I was like, who is talking my language? And I saw Kobe, and I was really surprised.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?