65
Doncic nabanas sa news site: 'Wag niyong putulin sinabi ko!
By

Doncic nabanas sa news site: ‘Wag niyong putulin sinabi ko!

Hindi nakapagtimpi ang Dallas Mavericks rookie na si Luka Doncic sa lumabas na tweet ng isang sports site sa Tate.

Sa tweet, sinabi na mas nadadalian umano si Doncic na umiskor sa NBA kaysa sa Europe.

Ngunit ayon kay Doncic, dapat umano ay binuo ang kanyang dahilan kung bakit mas ayos para sa kanya ang pag-iskor sa NBA.

Ilang mga NBA personality naman ang umayon sa naging tweet ni Doncic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?