38

Jun 18, 2021 @ 8:48
By

Doncic may kasalanan? Carlisle layas sa Dallas Mavericks

Makalipas ang 13 taon, aalis na si Rick Carlisle bilang head coach ng Dallas Mavericks.

Ito’y sorpresang resignation ng one-time NBA champion coach dahil may dalawang taon pa siyang nalalabi sa kanyang kontrata sa Dallas.

“‘After a number of in-person conversations with Mark Cuban over the last week, today I informed him that I will not be returning as head coach of the Dallas Mavericks. This was solely my decision,” ayon sa pahayag ni Carlisle.

“My family and I have had an amazing 13-year experience working with great people in a great city,” aniya pa.

Sa report ng ESPN, posibleng nagkaroon umano ng iringan sina Carlisle at Mavericks star player Luka Doncic na nauwi sa resignation ng una.

Ayon naman sa The Athletic, niluwagan na ni Carlisle si Doncic kung saan pinabayaan na umano nito kung paano gustong maglaro ng NBA star, ngunit nagkakaroon pa rin umano ng banggaan ang dalawa.

Inaasahan na pumirma si Doncic ng $200M supermax extension para manatili ng limang taon sa Dallas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?