10

Aug 14, 2020 @ 13:16
By

Doncic gigil sa playoffs

Sabik nang sumalang sa 2020 NBA playoffs si Dallas Mavericks star Luka Doncic.

Hindi man pinalad na manalo nitong Biyernes (Manila time) kontra Phoenix Suns 102-128 sa pagtatapos ng kanilang regular season, uupo pa rin sa pang-pitong puwesto ang Mavericks sa Western Conference.

“It’s the playoffs. I’ve been on playoffs before but, just in Europe. I mean it’s not the same level, but it’s the same emotions and I’m excited for sure,” hayag ng sophomore 6-foot-7 guard.

Makakatapat ng Mavericks para sa playoffs ang second seed team na Los Angeles Clippers.

“They’re tough team to beat, we just have to be prepared and give everything that we have,” paliwanag ni Doncic na may average na 29.0 points, 9.5 rebounds at 9.0 assists per game.

Maghaharap ang dalawang panig simula sa darating na Martes (Manila time) alas-9 ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?