46

Jan 30, 2020 @ 19:11
By

Doncic bumilib sa tirada kay Lillard

Kung si Luka Doncic ang tatanungin, isa si Damian Lillard sa mga pinakamagaling na shooter sa NBA.

Ito’y sinabi ni Doncic matapos na magbuslo ng anim na tres si Lillard sa laban nila kontra Houston Rockets.

“Dame is different beast? also one of the best shooters in the game for sure!” saad sa tweet ni Doncic.

Sa nasabing laro, may isang pagkakataon kung saan biglang nag-tres si Lillard malapit sa logo ng Blazers sa harap ng Rockets star na si Russell Westbrook.

Bukod sa malalim na three-pointer, kinubra din ni Lillard ang kanyang unang triple-double makalipas ang walong taong career sa NBA.

Tumapos ng may 36 points, 10 rebounds at 11 assists si Lillard sa kanilang 125-111 victory.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?