55

Dec 10, 2019 @ 10:38
By

Doncic bigong isalba ang Mavs

Kinasihan ng suwerte ang Sacramento nang magmintis ang huling panablang attempt ni Luka Doncic, at naitakas ng Kings ang 110-106 panalo laban sa Dallas Mavericks Linggo ng gabi.

Hatak ni Doncic si defender Cory Joseph sa lane bago bumitaw ng turnaround jumper pero humalik sa bukana ng rim ang bola. Dinamba ni Richaun Holmes ang rebound 8 seconds sa laro, tumawag ng timeout ang Kings. Binigay ni Bogdan Bogdanovic ang inbounds kay Nemanja Bjelica na sumagasa ng layup para selyuhan ang panalo.

“We all see how great Luka is,” ani Holmes. “So you just try to do as much as you can to take him out his comfort zone.”

Tumapos si Bjelica ng career high-tying 30 points. Umiskor si Buddy Hield ng 26 points na kinapalooban ng limang 3s para sa Sacramento. May 13 si Harrison Barnes, 12 points at game-high 9 rebounds kay Holmes. Nag-ambag ng tig-10 sina Bogdanovic at Trevor Ariza.

High scorer ng Dallas si Tim Hardaway Jr. na may 29. Pinanatili niya ang Mavs sa laro sa ibinaon na career-high 9 for 12 3-pointers.

Naglista pa rin si Doncic ng 27, 17 dito sa second half nang lumamang ang Kings 66-46. Naigapang ng Mavs na ibaba sa dalawa ang hinahabol sa fadeaway ni Kristaps Porzingis, sablay ang runner ni Barnes sa kabila.

Hinablot ni Dorian Finney-Smith ang rebound bago tumawag ng timeout 14 ticks pa, pagbalik ay binigay kay Doncic ang bola.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?