427

Nov 8, 2021 @ 19:35
By

#DonBelle patok sa ABS-CBN Christmas ID

Kinilig ang mga fan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa pagkakasama ng mga ito sa Christmas ID ngayong taon ng ABS-CBN.

Nitong Lunes inilabas ng Kapamilya network ang music video ng “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa”.

Tampok dito ang boses ng ilang Kapamilya superstar tulad nina Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Vice Ganda, Sarah Geronimo, Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Gary Valenciano, KZ Tandingan at Erik Santos.

Bukod sa #DonBelle, naroon din ang sikat na tambalan nina Kathryn Bernardo-Daniel Padilla at Andrea Brillantes-Seth Fedelin.

Kasama rin sina Darren Espanto, Iñigo Pascual at P-pop boy group na BGYO.

Panoorin ang video sa ibaba:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?