101

Nov 10, 2021 @ 22:04
By

DonBelle nagkalat billboard sa NY, Dubai, Korea, Switzerland

Bongga ang mga fan worldwide nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Nag-effort kasi ang mga ito para batiin sina Donny at Belle sa kanilang second anniversary bilang love team.

Nagkalat ang mga mukha ng DonBell sa New York, Dubai, Korea at Switzerland.

Bukod doon, maiispatan din ang mga digital billboard ng DonBelle sa Pasig at NAIA Terminal 3 sa Pilipinas.

Ibinahagi ito ng Instagram fan page na @titasofdonbelleofficial.

Sa kasalukuyan ay trending sa Netflix ang kilig serye ng DonBell na “He’s Into Her”.

Magkasama rin sila sa pelikulang “Love Is Color Blind” under Star Cinema.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?