109

Oct 25, 2017 @ 13:03

Donasyong baril, bala mula Russia, tinanggap na ni Digong

Personal nang tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga baril, bala at military trucks mula sa gobyernong Russia sa isang simpleng seremonya sa Pier 15, North Harbor, Manila.

Kabilang sa mga donasyon ng Russia ay 5,000 pirasong AK-74 Kalashnikov rifles, 20 multi-purpose military trucks, isang milyong mga bala at 5,000 helmets.

Nilibot ng Pangulo ang Russian anti- submarine warship na Admiral Pantaleev at ipinakita sa kanya ang loob ng modernong barko na mayroong anti-submarine detectors at destroyer.

Ang donasyong armas at kagamitan ay resulta ng maiksing biyahe ng Presidente noong Mayo sa Russia kung saan kinailangan niyang bumalik agad sa bansa dahil sa pananakop ng Maute terror group sa Marawi City.

Kasama ni Pangulong Duterte sa pagtanggap ng mga donasyong armas sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at iba pang Defense officials.

Nanguna naman sa pagsalubong kay Pangulong Duterte si Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev at kanilang Defense Minister na si Sergey Shoigun. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?