72

Nov 20, 2021 @ 10:40
By

Donasyong attack helicopter ng Jordan lumanding sa Cavite

Isa sa dalawang Bell AH-1S “Cobra” attack helicopter na donasyon ng bansang Jordan ang dumating sa Major Danilo Atienza Air Base sa Sangley Point, Cavite.

Ayon sa Philippine Air Force, pandagdag ito sa MD-520MG ng 20th Attack Squadron at pantulong sa iba pang AFP unit.

Pinangunahan ni 15th Strike Wing commander Brigadier General Aristotle Gonzalez kasama ang iba pang ranking officer ang pag-welcome sa two-blade, single-engine attack helicopter, na gagamitin para sa seguridad at counter-terrorism operation sa ere.

“The AH-1S Cobra piloted by Major Reese James Obeso PAF, Squadron Commander, 20th Attack Squadron, and Captain Wilmore Kristus A Tanamor, took off from Clark Air Base and performed low passes before making their first touchdown at MDAAB,” saad ng 15th Strike Wing sa Facebook post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?