500

By

Donasyon ni Terrence Romeo sa Marawi, pinutakti ng komento

Sharing is caring!

Sari-saring reaksiyon ang nahamig ng pagtulong ni PBA star Terrence Romeo sa binagabag ng giyera na Marawi City.

Sa kanya kasing Facebook account, ibinahagi ni Romeo ang larawan habang inaabot niya kay actor Robin Padilla ang donasyon na nasa loob ng sobre, na hindi sinabi ang halaga noong Nobyembre 13.

Nilagyan niya ito ng caption na hango sa pahayag ni Padilla na, “Sa Marawi project namin na ‘to, puro mga artista ang nagdo-donate, tumutulong, sumusuporta. Ngayon lang may isang basketball player na lumapit at nagbigay ng suporta sa mga taga Marawi, salamat, Terrence! Salamat talaga.”

Marami man ang pumuri sa ginawa ng basketbolista, may ilang hindi nagustuhan at nagduda sa hakbang na ito ni Romeo dahil bakit pa umano kailangang ipakita ang kawanggawa niyang ito.

Ani Facebook user Ramezes Daygo Bernacer: “Ang pagtulong sa kapwa di dapat pinapakita sa iba.”

May isa naman na nagsabi na hindi na sikat si Romeo kaya ginawa niya ito para lamang sa “exposure”.

Sabi ni Chester Roxas: “Hindi na kasi matunog pangalan niya kaya ayan nag iingay. Need exposure! Anyway in good way naman at para sa marawi.”

Umaasa naman ang netizen na si Salman Ayonan na hindi maibubulsa ng sinuman ang nasabing donasyon.

“Sana umabot sa marawi hindi sa bulsa ng sinoman.”

Isang taon na ang nakalipas nang maganap ang giyera sa pagitan ng Maute group at militar na sumira sa siyudad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?