61
ABANTE-TNT-sharon-donasyon-marawi-zero
By

Donasyon ni Sharon sa Marawi, maraming ‘zero’

Sharing is caring!

Pinasalamatan ni Robin Padilla ang leading lady niya sa lalabas nilang movie, ang “Unexpectedly Yours” na nagtatampok rin sa love team nina Julia Barretto at Joshua Garcia, at directed by Cathy Garcia Molina.

Pinost ni Robin ang larawan nila ni Sharon Cuneta na tila nasa loob sila ng isang tent at hawak-hawak ang isang puting envelope.

Pinuri ni Robin si Sharon sa kanyang Instagram caption ng photo nila dahil sa kontribusyon nito sa programa at proyekto ng aktor, ang “Tindig Marawi”.

@robinhoodpadilla, “Sa ngalan nang nagiisang Dios ang mapagpala at mahabagin. Walang pinakamatamis sa larangan ng kawanggawa kundi ang pagdating ng mga kaibigan at mag-alay ng kanilang kamay para kagyat makatulong sa mga nangangailangan.

“Wala ring makakapantay sa kaligayahan ng isang rebolusyonaryo kapag ang nagbibigay na kamay ay naniniwala sa adhikain at intensyon ng pagkilos lalo’t ang katulad ni Sharon Cuneta na matagal na matagal nang kilala sa industriya ng pelikulang Pilipino bilang isang matulungin at maasahan ng mga nangangailangan.

“Maari kong sabihin na isa siya sa aking tinularan na tumutulong kahit wala sa harap ng camera…”

Ayon kay Robin, hindi raw sana gusto ni Sharon na ipaskil ang larawan nila na nagbibigay ang megastar ng tulong dahil ayaw nitong ibalandra ang kanyang pagkakawanggawa.

“Sa katunayan pinilit ko siya sa pamamagitan ng katwiran na kailangan ko gawin para pamarisan ng mga may puso kaya pumayag na ilabas ko ang larawan na ito dahil hindi niya nakaugalian na mapublicize ang kanyang magandang gawa…”

Sinabi ni Robin na malaki ang ibinigay na donasyon ni Sharon sa kanilang project at ito’y naglalaman ng maraming ‘zero’, na ang ibig sabihin ay daang libong piso.

Maaaring tseke ang ibinigay ng megastar na nakapaloob sa puting envelope.

“Napakalaki rin ng kanyang inambag sa Tindig Marawi, hindi na siya pumayag na sabihin ko ang halaga pero marami itong zero. Allah hu akbar Allah hu akbar Allah hu akbar.” (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?