20

Mar 31, 2020 @ 18:20
By

Donasyon ng SMC umabot na sa P181M pagkain, 100K litrong alcohol

Tuloy-tuloy sa kanilang pagkakawanggawa ang San Miguel Corporation (SMC) para sa mga mahihirap na apektado ng ipinatupad na enhanced community quarantine sa Luzon.

Umabot na sa P181 milyon ang naipamahaging food assistance ng kumpanya sa mahihirap na mga komunidad habang mahigit sa 100,000 na litrong rubbing alcohol ang naipamigay sa mga frontliner sa loob lang ng dalawang linggo.

Kabilang sa mga donasyon ng SMC sa tinatayang may 520,000 na pamilya ay iba’t ibang pagkain gaya ng de-lata, biskuwit, kape, tinapay, gatas at karne.

Hindi pa kasama rito ang 500,000 na kilong bigas na donasyon sa mga mahihirap sa Metro Manila.

“In our second week of operations, we are glad to report that we are reaching more areas outside of Metro Manila,” saad ni SMC president Ramon S. Ang.

“Right now, the most important thing is for our people to support and follow the guidelines of the quarantine issued by President Duterte. We all have an important part to play. For many of us, it’s to stay home and avoid unnecessary travel. Our doctors are working hard, our government is also doing what is necessary, and we in the private sector are also ready to support them and lend a hand,” dagdag niya.

Maliban sa Metro Manila, ang iba pang naabutan ng tulong ng SMC ay ang Cavite, Laguna, Batangas, Quezon, Lucena, Bicol, Bulacan, Tarlac, Pangasinan, Pampanga, Nueva Ecija, Isabela, Tuguegarao, Quirino at Zambales.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?