109

Mar 21, 2020 @ 12:15
By

Donasyon ng China: Kapalit isla!

WA EPEK na sa iba ang pagmamagandang-loob ng China sa `Pinas.

Nitong umaga lang kasi ng Sabado ay pormal na tinanggap ni DFA secretary Teodoro L. Locsin Jr. ang mga donasyong testing kits, surgical masks at personal protective equipment na pinaabot ng China bilang tulong sa bansa sa pinagdadaanang Covid crisis.

Pero di ito ikinatuwa ng ilang netizen sa halip ay naglitanya pa at dinaan sa social ang kanilang banat.

@AtoyCon: “Kapalit Jan spratly island”

@KarlCaoile: “Kapalit niyan isang isla”

@OplerKimberly: “PALAWAN KAPALIT NYAN HAHAHAHA”

@JennyFernandez: “napakatulungin nyo po pati virus binibigay nyo din. salamat po”

@SunsuodBadjula: “sana malinis yan Sana Hindi yan unubuhan ng mga positive sa covid 19 sa China para nalang din sa mga health worker ntin”

Pero bukod sa mga galit at pagpipilosopo ng ilan, nagpaabot rin naman ng pasasalamat ang ilan nating kababayan.

@SunshineHubli: “salamat po at sana with those test kits e mapabilis po ang labas ng lab results”

@RonyapEnorjram: “Thanks u so much more power and god blesss po sa lahat”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?