34

Sep 8, 2021 @ 16:48
By

Donald Trump balik boxing commentator

Matapos ang kanyang termino bilang pangulo ng USA ay balik na sa pribadong buhay si Donald Trump.

Kaugnay nito, inanunsyo ng Triller ngayong Miyerkoles (oras sa Pilipinas), na pumirma sa kanila ng kontrata si Trump para maging commentator ng alternate telecast ng bakbakang Evander Holyfield at Vitor Belfort sa Sabado.

Kasama rin niya sa komentaryo ang anak na si Donald Trump Jr.

Bukod sa bakbakang Holyfield – Belfort, ang mag-amang Trump din ay maririnig sa mga undercard ng event kasama ang laban nina Anderson Silva at Tito Ortiz, at David Haye kontra Joe Fournier.

“I love great fighters and great fights,” wika ni Trump sa ulat ng ESPN. “I look forward to seeing both this Saturday night and sharing my thoughts ringside. You won’t want to miss this special event.”

Lingid sa kaalaman ng marami, si Trump ay nagsilbi na ring host ng maraming boxing fights noong dekada ’80 at ’90.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?