17

Oct 12, 2021 @ 15:00
By

Donaire pumirma sa bagong promoter

Pumirma ng kontrata si WBC bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa Probellum Promotions, isang bagong kompanyang pinamumunuan ng dating chief executive ng Golden Boy Promotions na si Richard Schaefer.

“Richard Schaefer has always been a ‘fighters first’ promoter,” pahayag ni Donaire. “I am convinced that with his vision, leadership skills and passion for the fighters, he will elevate the sport and most importantly continue to empower fighters.”

“I am proud to be part of Team Probellum and continue my relationship and friendship with Richard,” dugtong ng Pinoy champion.

Samantala, ang Probellum din ang nakakuha ng kontrata para i-promote ang laban ni Johnriel Casimero kay Paul Butler.

Si Casimero ay ilang beses ng nakainitan ni Donaire gawa ng ‘di maayos na negosasyon sa kanilang laban.

Inaasahan na iaanunsyo ng Probellum ang unang laban ni Donaire sa ilalim ng kanilang banner sa mga susunod na buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?