42

Sep 20, 2021 @ 16:14
By

Donaire, Casimero handa banggain: Ancajas balak umakyat timbang

Sa halos limang taon na niyang pagiging IBF super flyweight champion, handa na si Jerwin Ancajas na sumabak sa panibagong hamon – ang umakyat sa bantamweight division.

Ngunit sa plano niyang ito, posibleng makaharap niya ang mga kapwa Pinoy na title holder ngayon sa bantamweight class: sina Nonito Donaire at Johnriel Casimero.

Para kay Ancajas, hindi na bago sa kanya ang makipagsagupa sa kapwa Pinoy sa isang world title fight.

“A world title fight with a fellow Filipino fight is not new to me because I already fought Sultan. If given the opportunity, I will be proud to fight big names like them especially Donaire,” wika ni Ancajas.

“I am just waiting for coach when it is time to move up a weight class. If I get a unification fight next, I want to go up in weight. I am more than ready,” dugtong pa niya.

Si Ancajas ay may impresibong kartada na 33-1, 22 KOs at huling lumaban noong Abril kung saan matagumpay niyang naidepensa ang kanyang titulo kontra kay Jonathan Javier Rodriguez via unanimous decision.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?