266

Aug 6, 2021 @ 15:48
By

Dominic Roque, Bea Alonzo nag ‘honeymoon’ sa California

Tikom man ang bibig nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kung ano ang estado ng relasyon nila, tila nag-honeymoon na sila sa California. Sa mga ibinahagi kasing litrato ni Dominic sa kanyang Instagram, makikitang halos maghahalikan na sila.


“Lover,” anang 31 anyos na aktor sa caption ng kanyang post kung saan sila maiispatang nakaupo sa isang bench sa Napa, California.

Sa hiwalay na post, ibinahagi din ni bagong Kapuso Bea ang kanilang sweet photos ni Dominic.


“into the woods,” saad niya.

Nagkomento naman din ang ilan niyang showbiz friends tulad nina Dimples Romana at Kakai Bautista.

“@dimplesromana Aaaaahhhhh my ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️”

“@ilovekaye Woi❤️”

Kababalik lang sa ‘Pinas ng dalawa mula Amerika matapos ipagdiwang ni Dominic ang kanyang ika-31 na kaarawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?