72

Jul 22, 2020 @ 8:36
By

Dominic pinusuan si Bea

Pinaypayan pa nga ni Dominic Roque ang tsansang nagkakamabutihan sila ni Bea Alonzo.

Nag-post ang aktor, 30, kahapon ng larawan nila ng aktres, 32, sa loob ng isang mistulang ramen restaurant sa Tokyo, Japan.

“tila ako’y nabighani…♥️,” ang kanya pang caption sa Instagram.

https://www.instagram.com/p/CC50Km8Flnp/?utm_source=ig_web_button_share_sheet

Naka-tag din sa post ang aktres, na noong nakaraang taon pa nili-link sa kanya.

Samantala, una nang tinanggi ni Bea na may bago siyang dyowa at nilarawan si Dominic bilang isang “good friend”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?