134

Jun 21, 2020 @ 15:43

Dominic inurot sina Bea-Vico

NI: VINIA VIVAR

Ang daming kinilig sa post ni Bea Alonzo na finally ay nakilala na niya ang man of the hour na si Pasig Mayor Vico Sotto. Ang daming nag-react na bagay sila gayung pareho naman silang naka-mask sa larawan at magkalayo pa dahil sa social distancing protocol.

“Hi Mama! Nakilala ko na ang paborito mo!” ang bungad ni Bea sa caption.?

Ayon sa aktres ay nagpunta siya at mga kasamahan sa I Am Hope (ang charitable organization na itinatag niya para makatulong sa mga apektado ng COVID-19) sa Pasig para mag-donate ng disinfectants sa frontliners.

“Team I AM HOPE went to Pasig this afternoon to turnover relief bags and disinfectants for the frontliners. Thank you, Mayor Vico Sotto and Cong. Roman Romulo, for your time.

“In line with Father’s Day, we intend to celebrate the fathers who choose to serve the community by cleaning the streets and picking up our garbage.

“MARAMING SALAMAT PO sa mga tatay na street sweepers at garbage collectors sa pagtulong sa ating kumunidad at sa pagttrabaho ng marangal para sa kanilang pamilya,” ang caption ni Bea.

Sumagot naman si Vico sa comments section at nagpasalamat din sa kanya.

Sa comments section, hindi lang netizens ang nagsabi na bagay sila kungdi maging ang mga kapwa-artista ni Bea tulad nina Dimples Romana, Janus del Prado at maging si Dominic Roque na na-link kay Bea ay nagkomento rin ng “bagay kayo” at nilagyan pa ng apat na hearts emoji.

Komento tuloy ng isang netizen sa comment ni Dominic, “bakit parang angsakit? Bakit prang kasalanan ko?”

Sey naman ng isa, “mas bagay kayo papa doms.”

Matatandaang na-link si Dominic kay Bea matapos ang break-up ng aktres kay Gerald Anderson.

Pagre-recall naman ni Dimples, “Basha, naalala ko lang, Hindi ba’t Binibining Santolan Pasig 2001 kaaaaaaaa?????”

Sagot naman ni Bea, “oo nga pala!!! dun ako nadiscover.”

Si Janus del Prado ay nagkomento rin at nagsabing bagay sila. Gumawa pa siya ng hashtag na #BeVico, #BeyVico at #Biko na pinagsamang pangalan ng dalawa.

Ang daming nagkomento na sana ay sila na lang dalawa at lamang na lamang na nga raw si Vico dahil boto na agad ang mommy ni Bea.

Well, in all fairness, bagay talaga sila. At pareho naman silang loveless now, so why not coconut?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?