63

Jul 15, 2019 @ 15:48
By

Domingo, Mendigoria bibisita sa PSA Forum

Special guest sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairman at Chief Executive Officer Andrea Domingo, Martes sa Amelie Hotel-Manila.

Dadalaw si Domingo sa weekly sports forum sa unang pagkakataon para talakayin ang pagtulong at pagsuporta ng ahensya sa Philippine sports.

Isa rin ang PAGCOR sa malapit na kaibigan ng country’s longest public sports program na katuwang din ang San Miguel Corporation, Braska Restaurant at Amelie Hotel.

Bisita rin si Skateboarding and Rollerblade Association of the Philippines president Monty Mendigoria para pag-usapan ang National Open Skateboarding and Rollerblade Championships sa Sta. Rosa, Laguna.

Tatalakayin rin nito ang ongoing qualifying campaign ni Margielyn Didal para sa 2020 Tokyo Olympic at ang paghahanda ng skateboard na unang sasalang sa 30th Southeast Asian Games.

Iniimbitahan ang lahat ng PSA member na dumalo sa forum na magsisimula alas-10 ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?