96

Jun 7, 2018 @ 10:37

‘Domeng’ patuloy ang paglakas; Luzon, Visayas uulanin

Napanatili ng tropical depression “Domeng” ang kanyang lakas habang kumikilos sa north-northwest nitong Huwebes, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sa latest bulletin ng Pagasa, taglay ni Domeng ang lakas na 45 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 60 kph.

Si Domeng ay namataan 605 kilometro ng hilaga ng Virac, Catanduanes, at kumikilos north-northwest sa bilis na 15 kph.

Sabi ng Pagasa, magpapalakas kay Domeng ang southwest monsoon na magdadala ng malakas na ulan sa Luzon at Visays.

Makakaranas naman ng malakas ng ulan at pagkulog ang Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western at Eastern Visayas, gayundin ang mga lalawigan ng Aurora, Bataan, at Zambales.

Inaasahang lalabas sa bansa si Domeng sa Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?