1,348

Jan 12, 2022 @ 19:20
By

Dolphy huling habilin sa mga anak: ‘Ayoko ng away, magmahalan kayo’

Hindi maikakaila na maganda ang samahan ng mga anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy, kahit na magkaka-iba ang kanilang ina.

Sa ginanap na online presscon ng “Quizon Comedy Theater” sa NET 25, sinabi ng magkakapatid na sina Eric, Epy, at Vandolph ang rason bakit maganda ang kanilang samahan.

Ayon kay Eric, huling habilin daw kasi ng kanilang ama bago ito mamatay na ayaw niyang nag-aaway silang magkakapatid.

“Before he died, ang sinabi niya sa aming lahat ay, ‘Ayaw ko ng away-away, gusto ko magmahalan kayo’ at somehow siguro ‘yun ang nanatili sa amin because those are his last habilin sa aming magkakapatid. Of course lahat naman nagkakaroon ng alitan o pag-aaway kaso ang maganda lang din sa amin kasi is pag nag-aaway hindi kami ‘yung tipo na nagtatanim,” paliwanag ni Eric.

Ayon naman kay Epy, malaki rin ang naging bahagi ni Eric sa magandang samahan nilang magkakapatid, dahil tuwing nagkakaroon sila ng alitan ay pumapagitna ito at walang kinakampihan.

“Palagi siyang sa gitna wala siyang kinakampihan maski na pareho kami ng nanay ni Eric at nag-away kami ni Vandolph at pag tama si Vandolph ako ang pagsasabihan niya or iko-correct niya ‘yung mali. So, wala siyang ganu’n hating kapatid parang nawala na ‘yun sa amin a long time ago,” pahayag ni Epy.

Para naman kay Vandolph: “Ako naman eversince I was young wala talaga akong tinratong half, kasi mag-isa lang ako sa nanay ko (Alma Moreno), so lahat sila kapatid ko saka pinalaki naman kami ng dad namin na lagi kaming magkasama, kita-kita every Sunday nagdi-dinner kami.”

Samantala, mapapanood ang “Quizon CT” sa Net 25 Channel tuwing Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?