81

Oct 4, 2020 @ 21:06
By

‘Dolomite Queen’ nakaabot na sa Boracay

Matapos mag-bikini sa Manila Bay, sa Boracay naman umawra si Renalyn Macato, na nakilala rin sa bansag na ‘Dolomite Queen’.

Sa Facebook post ni Renalyn, makikita na todo ang pag-eenjoy nito sa muling pagbubukas ng Boracay sa turista.

Nagtampisaw din sa malinis na tubig ng Bora si Renalyn, na hindi nito nagawa noon sa beach front ng Manila Bay.

Nitong Oktubre ay pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang muling pagbubukas ng Boracay sa mga turista matapos ang malawakang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1708601765973495&id=100004710630328

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?