37

Jul 19, 2021 @ 13:02
By

Dolomite beach dinadagsa

Dinadagsa pa rin ang dolomite beach sa Maynila nitong Lunes matapos itong buksan pansamantala sa publiko kahapon.

Bukas ang artificial beach sa mga timeslot na 9:00 a.m. ng umaga hanggang 11:00 a.m. ng umaga; at alas-3:00 p.m ng hapon hanggang alas-5:00 p.m. ng hapon.

Tig-limang minuto lang dapat ang itagal ng bawat bisita na dapat ay nakasuot din ng face mask at face shield. Ipinapatupad din sa lugar ang physical distancing.

Hanggang 120 katao lang din ang pwedeng magsabay-sabay sa beach.

Pwede ring mamasyal ang mga senior citizen at mga bata na may kasamang bantay o magulang. Bawal naman ang mga alagang hayop.

Ang pansamantalang public viewing ng dolomite beach ay hanggang Hulyo 20, Martes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?