97

Oct 16, 2021 @ 11:51
By

Dolomite beach bukas na sa publiko

Binuksan na sa publiko ang man-made dolomite beach sa Manila Bay kasabay ng pagsisimula ng Alert Level 3 sa National Capital Region.

Nitong Sabado ay dinagsa ito ng mga bisita upang magpalitrato. Hanggang 500 indibiduwal lamang umano ang papayagan sa beach, ayon sa ulat sa radyo.

May itinalagang mga pulis sa lugar para matiyak na masusunod ang mga health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield.

Puwedeng magpunta kahit hindi bakunado laban sa COVID mula alas-8 hanggang alas-11 ng umaga, at sa hapon hanggang alas-6 ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?