13

Jan 28, 2021 @ 15:57
By

DOLE: Unemployment rate baka tumaas sa minimum wage hike

Dapat pag-aralan nang mabuti ang petisyon na taasan ang minimum wage sa bansa dahil baka hindi ito kayanin ng mga employer at mapuwersang magsara na lamang, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ani Bello, bagama’t dapat timbangin ang kapakanan ng mga employer at empleyado, baka humantong pa sa malalang sitwasyon na pagtaas ng unemployment rate kung hindi mababayaran ng employer ang manggagawa nito.

“If we will grant or recommend the approval of the petition na tataasan ‘yung suweldo from P537 to P700 o P750, baka hindi makayanan ng mga employer. Baka ang mangyayari niyan, pag tinaasan ‘yan, they will be compelled to shut,” pahayag ni Bello sa isang televised briefing nitong Huwebes.

“Kaya kailangan talaga pag-aralan natin mabuti before we make any drastic move. Kailangan dito masusing pag-aaral. Can the employers afford it? If they can, then by all means, we will recommend, we will adapt the petition of the workers,” dagdag niya.

“But if they cannot, then we have to be very careful. Otherwise, we will again increase the unemployment rate. That is the worst situation as far as our employees are concerned,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?