35
DOLE, Saudi poprotektahan ang OFW
By

DOLE, Saudi poprotektahan ang OFW

Makikipag-usap umano ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Kingdom of Saudi Arabia ukol sa isang bilateral labor agreement na poprotekta sa kalagayan ng overseas Filipino workers doon, Agosto 23.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III sa Business Mirror na nakikipag-ugnayan na ang DOLE sa gobyerno ng Saudi para sa pagbuo ng technical working group ukol sa nasabing paksa.

Ilan sa mga probisyon na ihahain ng DOLE ang paninigurado na hahayaan ng employer na itago ng OFW ang passport at cellphone nito, takdaan ang oras ng pagkain at pahinga, at pagbabawal ng relocation nang walang authorization mula sa Philippine posts.

Dumating si Bello sa NAIA terminal 1 kahapon kasama ng higit 100 OFW mula sa Riyadh, Saudi Arabia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?