48

By

DOLE sa subcontractor sa Hanjin Shipyard: Tulungan ang namatay, nasugatan sa aksidente

Sharing is caring!

Dapat magpaabot ng pinansyal na tulong ang subcontractor sa Hanjin shipyard na namatayan ng isang manggagawa at nasugatan ng tatlong iba pa sa naganap na aksidente roon noong Sabado.

Isa ito sa itinakdang kundisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) bago bawiin ang ipinalabas na Work Stoppage Order (WSO) laban sa Binictican I-Tech Corporation na subcontractor ng Hanjin Heavy Industries Corporation Philippines, isang Koreanong kumpanya na gumagawa ng barko.

Ayon sa DOLE, kinakailangan ding paswelduhin ng subcontractor ang mga manggagawang nasugatan habang sila ay nagpapagaling.

Tinukoy ng kagawaran na ang kanilang utos na pagpapatigil sa trabaho sa Hanjin shipyard ay mananatili hanggang hindi nakakatugon nang buo ang Binictican I-Tech sa occupational safety and health standards.

Kasama na rito ang pagsusumite ng accident-illness report, medical abstract ng mga biktima, at patunay na napagkalooban ng pinansyal na tulong ang pamilya ng namatay na biktima pati na ang nasugatang manggagawa.

Batay sa resulta ng imbestigasyon sa insidente, nabigo ang contractor na ipatupad ang safety procedures sa lugar ng trabaho kaya naganap ang aksidente kung saan nahulog ang mga manggagawa nang bumigay ang isang scaffholding na mayroon na palang pinsala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?