12

Sep 10, 2020 @ 14:35
By

DOLE: Rescue ops sa nawawalang mga seafarer sa Japan, patuloy

Nagpapatuloy pa ang search and rescue operation para sa nawawalang mga crew member ng isang barko na lumubog sa karagatan sa Japan noong nakaraang linggo.

“‘Yung paghinto, hindi nangangahulugan na wala nang rescue operation. Hindi nga lang ‘yung kagaya noong special operation na finield ang dalawang aircraft, apat na patrol boat, at divers from Japanese Coast Guard. Pero tuloy pa rin ang standard rescue operation,” paglilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa panayam sa Teleradyo.

“Hindi pa humihinto, ‘yun na nga lang, hindi kagaya ng ginawa nila ng three days na talagang full rescue operation,” dagdag niya.

September 3 nang maiulat na nawawala at lumubog ang Gulf Livestock 1 habang patungo sa China mula sa New Zealand dahil sa bagyong Maysak.

May sakay itong 43 crew member — 39 mula sa Pilipinas, dalawa mula sa New Zealand at dalawa mula sa Australia.

Tatlong Pilipino na ang na-rescue ng mga awtoridada sa Japan kabilang ang isa na nasawi habang ginagamot sa ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?