38

Feb 20, 2021 @ 20:19
By

DOLE plano bigyan ng 3-buwan wage subsidy mga manggagawa

Plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magkaloob ng tatlong buwang subsidiya para sa sahod ng mga manggagawa.

Sa isang virtual press conference noong Biyernes, sinabi ni Assistant Secretary Dominique Tutay na layon ng wage subsidy na makatulong sa pagpapalambot sa epekto ng COVID-19 pandemic.

“We based the budget proposal on the average wage of the workers in different sectors. It is between PHP7,000 to PHP11,000 subsidy and it will run for three months,” sabi ni Tutay.

Mangangailangan aniya ang DOLE ng nasa P62 bilyon hanggang P188 bilyon para sa proyekto.

“So if it will run for three months and let us say we will shoulder 25 percent of the average wage, PHP62 billion the lowest we will request,” sambit ni Tutay.

“The highest budget will be at PHP188 billion that would cover 75 percent of the monthly average wage rate. Our proposal is subsidizing 25 percent, 50 percent, or subsidizing 75 percent of the average wage rate,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?