44
Mga empleyado sa pribadong sektor may karagdagang 30% pay sa araw ng eleksyon
By

DOLE pinaaayuda sa 23K manggagawa ng Hanjin

Kinalampag ni Senador Joel Villanueva ang Department of Labor and Employment (DOLE) para tulungan ang 23,000 manggagawa sa shipyard sa Subic, Olongapo ng Korean conglomerate na Hanjin na nagdeklara na ng bankruptcy.

Dapat umanong siguraduhin ng DOLE na agad na magkakaroon ng trabaho at kabuhayan ang mga manggagawa kung sakaling magsara ang shipyard.

“We express serious concerns over the impact of Hanjin’s bankruptcy to its 23,000 employees and their respective families,” ayon kay Villanueva.

Pinagsabihan nito ang DOLE na bumuo ng inter-agency task force na sisiguro sa ayuda para sa mga manggagawa at kanilang pamilya.

“The DOLE must further ensure that profiling for job-matching, re-tooling and capacity building trainings are already underway. Let us not wait for the workers and their families to starve before we roll-out government interventions. We have to be proactive,” dagdag nito.

Hinikayat naman ang gobyerno na magpatupad ng reporma para mahikayat ang mga negosyante mula sa ibang bansa para rito sa bansa mamuhunan.

“We must reduce the cost of doing business. In that way, we can help our current investors, attract more investments, and create more jobs locally,” dagdag ni Villanueva.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?