87

May 12, 2020 @ 16:09
By

DOLE: Nawalan ng trabaho sa COVID crisis, 2.5M na

Inihayag si Labor Secretary Silvestre Bello III na maaari pang lumobo ang bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic kung hindi magpapatupad ng flexible work arrangement ang mga kumpanya.

Aniya sa Teleradyo, sa ngayon ay umabot na sa 2.5 milyon ang mga manggagawa na walang trabaho, pansamantala man o permanente.

Kaya naman nanawagan si Bello sa mga kumpanya na magpairal ng iba’t ibang klase ng arrangement sa mga empleyado.

“Itong figure natin baka lolobo pa ‘yan, kaya ang dapat natin gawin ngayon ay gumawa tayo ng mga advisory, sa mga employers at business establishments para mag-adopt ng iba’t ibang klaseng arrangements para mabawasan ang pagtatanggal o pagsasara,” saad ni Bello.

Dagdag niya, maaaring magpatupad ang mga kumpanya ng temporary suspension ng mga empleyado, limitadong working hour o rotating schedule para maiwasan ang retrenchment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?