39

Apr 16, 2020 @ 11:54
By

DOLE nandidilihensya ng dagdag budget para sa manggagawa

Gumagawa ngayon ng paraan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na kumuha ng karagdagang budget bilang tulong pinansyal sa mga natenggang manggagawa.

Nakapagbigay na ito ng kabuuang P1.2B tulong ngunit ito ay para lamang sa unang wave ng ECQ.

Pero dahil na-extend ang lockdown, humihirit sila ngayon ng karagdagang P2.5B pondo para sa nabiting mga trabahador.

“Meron po kaming ni-request na P2.5B additional funding under the COVID adjustment measure program or CAMP tsaka P1B po para doon sa #BKBK ito naman pong programa na ito ay para sa mga informal sector,” paliwanag ni DOLE Asec. Dominique Tutay.

Kung maibibigay ang kanilang hirit ay makakatulong aniya ito sa halos 500,000 workers sa bansa.

“Subalit wala pa po tayong natatanggap na actual approval ng ni-rerequest po natin budget, sana po ito ay makakatulong sa along 500,000 workers po,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?