13

Jan 7, 2021 @ 17:38
By

DOLE nagbabala vs. mga pekeng FB page na nag-aalok ng trabaho

Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko kaugnay ng mga Facebook (FB) page na nag-aalok ng trabaho kung saan maaari umanong kumita ang indibidwal.

Anila, naglipana ngayon sa Internet ang mga umano’y kumpanya na nag-aalok ng trabaho gamit ang voluntary o commission basis.

Madalas na hinahanap ng mga kumpanya ang mga posisyon para sa executive at manager.

Target din nila ang mga graphic artist.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng DOLE ang publiko na ugaliing berepikahin muna ang mga FB page o ano mang makikita sa social media na nag-aalok ng trabaho bago magbigay ng mga personal na impormasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?