46

May 31, 2020 @ 17:06
By

DOLE: Mga OFW na stranded abroad, halos 100K na

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga overseas Filipino worker (OFW) na straded sa ibang bansa.

Ayon sa Department of Labor and Employment base sa datos ng mga Philippine Overseas Labor Office, nasa 98,615 na OFW na ang stranded buhat nitong May 29.

Sa nasabing bilang, pinakamarami ay sa Middle East na may 83,483, sunod naman ang Europa at America na may 12,050, habang 3,082 naman sa iba pang bansa sa Asya.

Ang mga tinuturing na stranded na OFW ay iyong mga apektado ng lockdown ng ibang bansa kaya hindi makauwi sa Pilipinas, gayundin ang mga nag-expire na ang kontrata at mga distressed worker na nais ma-repatriate.

Ayon sa DOLE, 36,625 na OFW na ang napabalik sa Pilipinas buhat noong magsimula ang COVID-19 pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?