29

Jun 23, 2022 @ 12:34
By

DOLE: Mga kasambahay sa Metro Manila makakatanggap P1K

Makakatanggap ang mga kasambahay sa Metro Manila ng P1,000 dagdag suweldo, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni DOLE Information and Publication Service director Rolly Francia na pinirmahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang order na nagtatakda ng minimum wage sa P6,000 kada buwan sa mga household service workers (HSWs) sa NCR.

Nasa mahigit 200,000 kasambahay o HSWs naman ang makakakuha ng naturang dagdag sahod.

“The new wage order has been sent to the National Wages and Productivity Commission (NWPC) for review,” ani Francia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?