31

May 23, 2020 @ 15:17
By

DOLE: Mga employer pwede mag-delay ng double pay

Maaring hindi agad ibigay ng mga employer ang double pay ng kanilang mga empleyado na pumasok ng holiday sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Labor secretary Silvestre Bello III, ito’y para na rin hindi masyadong maapektuhan ang mga negosyo sa epekto ng economic struggle ng bansa.

“Ang pagbabayad nito puwedeng delayed dahil sa COVID-19, puwede munang i-postpone ang pagbabayad ng holiday pay,” saad ni Bello.

Ilang holiday na ang napagdaanan ngayong COVID-19 pandemic, kasama na ang Mahal na Araw at Eid l’Fitr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?