15

By

DOLE may ‘livelihood assistance’ para sa samahan ng mga OFW

Sharing is caring!

Tutulong na rin ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga gawaing pangkabuhayan ng mga samahan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Ito ay makaraang maglaan ang kagawaran ng P300 million sa ilalim ng programang Tulong Pangkabuhayan sa Pag-unlad ng Samahang OFWs o Tulong PUSO para suportahan ang mga samahan ng mga OFW sa pagbubuo, pagpapalakas o muling pagbuhay ng mga proyektong pangkabuhayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng raw materials, euqipment, tools and jigs at iba pang serbisyo.

Ayon sa DOLE, tulong na mula P250,000 hanggang P1,000,000 ang kanilang ipagkakaloob sa samahan ng mga OFW depende sa pangangailangan ng negosyo at bilang ng myembro ng organisasyon ng OFW na nagnanais makatanggap ng tulong.

“Ang Tulong PUSO ay isa sa mekanismo ng DOLE-OWWA upang hikayatin ang mga samahan ng OFW na magtayo ng negosyo. Kasama ang mga katuwang na ahensiya tulad ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA), magsasaagawa kami ng enterprise development training at iba pang social preparation intervention upang bigyan ang samahan ng OFW ng sapat na kaalaman at kakayahan upang tiyakin ang tagumpay ng kanilang piniling proyektong pangkabuhayan,” saad ni OWWA Administrator Hans Leo J. Cacdac.

Hinihikayat ang mga grupo ng mga OFW na magsumite ng project proposal kasama na ang accreditation mula sa DOLE ng samahan ng OFW at Cooperative Development Authority sa 17 OWWA Regional Welfare Offices sa buong bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?