60

Jun 11, 2020 @ 16:38
By

DOLE may bagong tracking system sa uuwing OFW

May bago umanong tracking system ang DOLE para sa maayos na pag-uwi sa bansa ng mga overseas Filipino worker habang may COVID-19 pandemic.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, pangangasiwaan ng OFW Assistance Information System (OASIS) ang maayos na repatriation at pagtulong ng ahensiya sa mga uuwing OFW.

“Through this system, the government can track the whereabouts of our returning OFWs and provide them prompt assistance and relief upon their return to the country,” ani Bello sa isang news release, Huwebes.

Para ma-track, dapat mag-register online ang pauwing OFW sa website na oasis.owwa.gov.ph. Pagka-log in ay pindutin ang ‘Register’ at maayos na sagutan ang form na hihingi ng ilang datos at personal information.

Check-an ang box na nagpapatunay na nabasa at naintindihan ang laman ng form, at nagbibigay sila ng consent na ma-process ang kanilang data sa ilalim ng Data Privacy Act at i-click ang ‘submit’ button.

Makatatanggap ang OFW ng link sa kanyang e-mail na nagsasabi na nakapag-register na siya sa OASIS.

Ang OASIS ay proyekto ng DOLE, Overseas Workers Welfare Administration, at Philippine Overseas Employment Administration.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?