168,733
DOLE - silvestre bello
Mar 20, 2020 @ 11:37
By

DOLE magsisimula nang mamigay ng P5K cash assistance

Magsisimula na umano ngayong araw, Biyernes, ang pamimigay ng P5,000 na one-time financial assistance para sa mga manggagawang apektado ng enhanced community quarantine, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sa panayam sa radyo, sinabi ng kalihim na lahat ng mga manggagawa na hindi nakapagtrabaho dahil sa pinatupad na community quarantine dulot ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 ay mabibigyan ng tulong pinansyal.

Gayunman, paliwanag pa ni Bello, ang makakukuha lamang ng P5,000 cas aid ay mga manggagawang kabilang sa payroll na pinasa ng kanilang mga employer sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Bukod dito, inaasahan din umano na ang Tulong Pangkabuhayan sa Displaced/Underprivileged Workers (TUPAD) financial assistance program para sa aabot sa 2,000 informal worker ay magsisimula ngayong araw.

Kabilang sa mga manggagawang ito ang mga street vendor, tricycle driver at mga naninirahan sa kalye, bibigyan sila ng minimum wage rate para mag-disinfect sa kanilang lugar

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?