3,209

Jan 16, 2019 @ 16:46
By

DOLE mag-iinspeksyon sa mga kompanya ukol sa labor law

Simula sa araw na ito ay muling ibabalik ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsasagawa ng labor laws compliance inspection.

Nuon kasing holiday season ay inilabas ni DOLE Secretary Silvestre Bello III ang administrative order na nagsasabing pansamantalang ititigil o suspendido muna ang lahat ng mga labor inspection mula December 15, 2018 hanggang January 15, 2019.

Ang desisyon ay ginawa ng DOLE bilang pagsasaalang-alang sa delikadeza para maiwasan ang mga alegasyon ng panunuhol nuong holiday season para hindi maparatangan ang mga labor inspector na namamasko sa mga negosyante.

Layunin ng labor laws compliance inspection na tiyaking nakakatalima sa batas paggawa ang higit 900,000 establisimyento sa buong bansa.

Partikular na tinututukan ng DOLE ang mga kumpanya na sangkot sa illegal contractualization.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?