108

Apr 4, 2018 @ 16:32
By

DOLE, mag-iinspeksiyon sa ibang fast food chain

Ikinakasa na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang gagawing inspeksyon sa iba pang malalaking fast food chain sa bansa.

Matapos iutos ang regularization sa mga manggagawa ng Jollibee at Burger King, nagtakda na ang DOLE ng inspeksiyon sa mga sangay ng McDonalds at Kentucky Fried Chicken.

Ito ay para umano matiyak ang pagtalima ng mga fastfood chain sa batas paggawa.

Noong nakalipas na buwan, nagsagawa ang DOLE Makati at Pasay Field Offices ng mandatory conference sa management ng Chowking na susundan pa ng mga serye ng dayalogo sa buwang ito.

Natakda ring magsagawa ng mandatory conference ang DOLE sa management ng Mang Inasal Foods na pangangasiwaan naman ng DOLE Quezon City Field Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?