117

Dec 25, 2017 @ 16:30
By

DOLE, mag-iimbestiga rin sa nangyaring sunog sa Davao mall

Inatasan ni Department of Labor Secretary Silvestre Bello III ang Occupational Safety and Health Center para imbestigahan ang naganap na sunog sa New City Commercial Center (NCCC) sa lungsod ng Davao kung saan 37 katao ang pinaniniwalaang namatay.

Kasama sa mga pinaniniwalaang nasawi sa sunog ay ang mga empleyado ng call center company na SSI na umookupa sa ikaapat na palapag ng isa sa pinakamalaking mall sa Davao City.

Magiging katuwang sa imbestigasyon ang DOLE regional office sa Davao.

Kasabay nito, tiniyak din ni Bello na magpapaabot ng tulong ang DOLE sa mga manggagawa na naapektuhan ng malaking sunog.

Sa ilalim ng Labor Code of the Philippines at Republic Act 4119 na nag-aamyenda sa Workmen’s Compensation Act, makakatanggap ng kompensasyon ang manggagawa na nasaktan, nasugatan o namatay dahil sa aksidente habang siya ay nasa trabaho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?