12
eo-dole
By

DOLE, ikinalugod ang paglagda ni Duterte sa EO

Sharing is caring!

Bagama’t nakukulangan ang mga militanteng manggagawa, itinuturing naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III na pagtupad sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpirma sa Executive Order (EO) kontra sa iligal na uri ng kontraktwalisasyon at subcontracting practices.

Sa pahayag, sinabi ng kalihim na regalo sa mga trabahador ang naturang EO para tuluyan nang ibasura ang iligal na polisiya sa labor sector.

Ito aniya ang kanyang paraan para bigyang-pugay ang mga manggagawang Filipino.

“The signing by President Duterte of the EO spells clearly the policy of his government to fully end illegal contracting and subcontracting practices,” saad ni Bello sa isang statement.

Pero para sa mga labor group, dapat ay tuluyan nang buwagin ang lahat ng uri ng kontraktwalisasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?