12

Oct 16, 2020 @ 20:55
By

DOLE: Hanggang P13.7B subsidy kailangan para sa 13th month pay

Aabot sa P13.7B ang ilalabas ng gobyerno sakaling mapagdesisyunan na saluhin ang 13th month pay para sa mga negosyo na malubhang tinamaan ng pandemya.

Base kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang naturang halaga ay base sa datos ng Philippine Statistics Authority at record din ng Department of Labor and Employment kung saan 1.5 milyong empleyado ang apektado ng pandemya.

“There are two (bases) for computation we are looking at. The PSA (Philippine Statistics Authority), they have data stating there are 5.1 million workers affected by coronavirus disease 2019 (Covid 19). But our DOLE (Department of Labor and Employment) records based on the notices we received from employers, there are only 1.5 million employees affected,” ayon kay Bello kaya’t tintingnan ang halaga na P5B hanggang P13.7B para sa 13th month pay ng mga mangagawa.

Kailangan ng mga kompanya na mag-apply para sa subsidy para mapag-aralan kung pasok sila sa mga requirements ng DOLE.

“They would have to apply for it and we will determine if they really need the subsidy,” lahad ni Bello.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?