40

Jun 17, 2021 @ 14:45
By

DOLE handog libreng bisikleta sa bakunadong manggagawa

Mamumudmod ng libreng bisikleta ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga manggagawa na nabakunahan na kontra COVID-19.

Ito ay parte ng Free Bisikleta (FreeBis) project, na ginawa nang BakSikleta, para matulungan ang mga Pinoy at maengganyo ang mga ito na magpabakuna.

“Those workers under the A4 category, who have fully received the vaccines will be given a free bicycle, which the beneficiary can use to start his/her business. It also comes with a cellphone with PHP5,000 worth of load. That is your reward if you show us that you already received two doses of the vaccine starting July 1,” ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III.

Ang libreng bisikleta ay ipamamahagi ng Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) sa mga indibiduwal na nakakumpleto na ng bakuna.

Maaring mag-apply ang mga bakunadong manggagawa sa hotline ng DOLE (1349), at sa social media account ng BWSC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?