7

Mar 3, 2021 @ 15:55
By

DOLE: Empleyado hindi puwede piliting pabakuna vs COVID

Hindi maaaring gamiting rason ng employer upang i-terminate ang kanyang manggagawa sa pagtangging magpaturok ng coronavirus vaccine, ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III.

Inihayag ito ni Bello sa isang online press briefing nitong Miyerkoles sa gitna ng mga ulat na ilang kompanya ang ginawang mandatory ang COVID-19 vaccination sa mga empleyado bago makapasok sa trabaho.

“Hindi puwedeng gawing mandatory ‘yan. Nasa mga empleyado ‘yan kung gusto nilang magpabakuna o hindi,” lahad ni Bello.

“Yung refusal to be vaccinated is not a ground for termination,” dagdag niya.

Sabi pa ng Labor chief, mahaharap ang mga lalabag na kompanya sa kasong administratibo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?