222

Sep 30, 2018 @ 14:33
By

DOLE: Emergency employment para sa mga nasalanta ng landslide sa Naga City, Cebu

Magkakaloob ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng emergency employment sa mga manggagawa sa Naga City sa Cebu na apektado nang naging landslide.

Ayon sa DOLE Region 7, isinasapinal na nila at ng lokal na pamahalaan, partikular na ng City Public Employment Service Office (PESO) at City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang mga mekanismo para sa programa na nasa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD).

“We are now actively coordinating with the PESO and the CSWDO in the city for the profiling of affected workers in the six barangays declared under the state of calamity,” saad ni DOLE-Cebu Provincial Field Office Maria Grace Diaz.

Inaasahang kasama umano sa mapapaloob sa programa ang mga indibidwal at pamilya na nakatira sa mga Barangay Tina-an, Naalad, Mainit, Pangdan, Cabungahan at Inoburan.

Ang Tina-an at Naalad ang mga barangay na sinalanta nang husto ng landslide kung saan dose-dosenang mga bahay ang natabunan at hanggang ngayon 60 katao pa ang nawawala.

“We will be sourcing out the profile of affected individuals and families from the Provincial Social Welfare and Development Office to avoid duplication of entries or names. From there, we will be identifying affected workers, of course with the help of the PESO of the City of Naga,” paliwanag naman ni DOLE 7 Regional Director Atty. Johnson Cañete.

Nabatid na kasama rin sa mga nasalanta ng landslide si Naga-PESO Manager Arlene Aliganga mula sa Barangay Pangdan.

Isang miyembro umano sa kada pamilya na apektado ng pagguho ang makakasali sa emergency employment kung saan magtatrabaho ang mga makukuhang manggagawa sa loob ng 30 araw at tatanggap ng arawang sahod na P386.

“Workers could render work at the designated evacuation centers where hundreds of families are sheltered or may help pack relief goods as option. We are awaiting the official list from the Provincial Social Welfare and Development Office. Once it’s made available, then we will commence TUPAD,” pagtatapos ni Cañete.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?