26

May 18, 2020 @ 16:36

DOLE, DOF,DepEd: Mga private school tulungan

Maraming guro at staff sa private school ang mawawalan ng trabaho kapag hindi mabigyan ng tulong pinansiyal dulot na rin ng COVID-19 crisis.

Pangamba ito ni Bagong Henerasyon Party-list Bernadette Herrera, kaya panawagan nito sa DOLE, DOF, at DepEd na pagkalooban ng tulong pinansiyal ang mga private school upang muling makapagbukas ang mga ito at matulungan din ang mga guro at staff nito na apektado rin ng krisis.

Karamihan umano sa mga private school ay maliliit lang Kaya kailangan matulungan rin ang mga ito.

Sa kasalukuyan, ay mayrooon umanong 500,000 nagtatrabaho sa private schools sa buong bansa na karamihan ay kindergartens ,missionary schools ng local churches at mosques.

“There is already an institution in place, the Fund for Assistance to Private Education (FAPE). Many of these small schools are part of the Education Service Contracting (ESC) Program of the DepEd. FAPE and ESC have existing databases which can be used to identify beneficiaries,” ayon kay Herrera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?